Isang Panibagong Buhay
Maraming katanungan ang naglaro sa isipan natin at some point in our lives. Hanggat di nasagot ang mga katanungan iyan, hindi tayo nakasumpong ng kapayapaan sa ating isipan-yung tunay, walang katulad na kagalakan at kapayapaan.
Sa aklat na ito ni Joyce na ISANG BAGONG PAMUMUHAY, matatagpuan ang sagot sa mga katanungang naglalaro sa iyong isipan. Lahat ng ito’y magsisimula sa pag-aaral ng mga katotohanan patungkol sa Diyos at kung gaano Niya tayo iniibig!
Habang binabasa mo ang aklat na ito, madidiskubre mo ang pinakamahalagang desisyon na gagawin mo sa iyong buhay, bakit mo kailangan ang Diyos, at kung bakit Siya ang solusyon sa bawat problema na kinakaharap mo. Pinatutunayan ng aklat na ito na totoong maipamumuhay mo at mararanasan nang may kagalakan ang uri ng buhay na inilaan ng Diyos para sa Iyo!
Totoong minamahal ka ng Diyos at meron Siyang napakagandang plano para sa iyo. Lahat ng bagay na ninanais mong maranasan at makamit ay matatagpuan mo sa isang personal na relasyon sa Panginoon. Ito ang sikreto ng bagong pamumuhay na nakalaan para sa iyo!